Topic 5564554
Sa tingin ninyo, handa na ba ang Pilipinas para sa ganitong antas ng transparency sa gobyerno? Ano sa tingin ninyo ang magiging mga hamon—tech infrastructure ba? Political will? O edukasyon ng publiko tungkol sa blockchain?
If we are being honest, kaya naman ng bansa maging technologically advanced. Madami ang mga talented ITs sa bansa kaya lang hindi nila nararamdaman ang demand sa bansa kaya umaalis na lang. Syempre ang root nito ay korupsyon parin. A country will not progress if it is infested with corruption. A country that is backwards will find it hard to defeat corruption. Ngunit hindi naman imposible.
Handa na kung handa ang Pilipinas sa pag adopt ng blockchain para sa transparency pero alam natin na mas marami ang corrupt sa gobyerno at panigurado haharangin or gagawa ng paraan para hindi matuloy or madelay ang ganitong batas, although dahil sa technology mas marami na tayong paraan para ipalaganap or bigay impormasyon sa mga kababayan natin kung ano ang epekto ng blockchain, paano ito gumagana, at ano ang maganda epekto nito sa gobyerno, madali na kase mapaniwala yung dahil sa laganap na scam regarding sa crypto and blockchain pero dahil sa internet at social media marami naman na din na tao (mga kakilala ko) and natututo na kung ano ito.
Kung ma-implement man ang blockchain sa mga political officials baka mas makakita tayo ng mas maraming maleta haha! Matatalino ang mga politiko. Pwede nilang sabihing pabor sila sa blockchain yun pala korupt parin.