Ang problem dito bakit nakakakuha parin sila ng license or papanu ba nila nagagawang makalusot, sa tingin ko ngkakaroon din ng lagayan, or di kaya naman pati ang ahensya naloloko din nila, which is dapat, ay sila ang makakaalam kung may kakaiba ba dito sa company na ito, maaring may gagawin silang hindi okay, parang nangyayari sige bigyan kita ng license once apply pero may iba na maayos at maganda baka iyan pa ang hindi nabibigyan, or minsan sila pa iyong napaginitan, kaya talaga ayaw ng iba sa local madaming kalokohan.
May legal/legit na license ba yang nga yan? Kasi pag meron maaring may bigayan na nangyari. Maari din na nag comply sila ng mga necessary documents at sa rules and regulations at first, pero nung operational na dun na nila pinalabas ang tunay nilang pakay.
Pano kasi dito sa pinas, tamad yung mga agency na naka assign na mag conduct ng assessment at mag check kung nasa "standards" paba ang isa company. Nasusulohan din kadalasan.
Anyway, kung tungkol lang sa mga investment scam talagang never ending na ang mga pinoy na maloloko, kasi gusto easy money eh. Itong app yata yung pinakita saken ng kapitbahay namin na nag co-copy trade lang sila at nag aantay ng signal sa group chat nila. Tapos pinapa confirm pa sila pag na execute na nila yung trade signal. Sinabihan ko naman siya na mukhang shady, kaya pinayohan ko siya na mag trade nalang siya ng sarili niya at wag sumali sa mga ganito para iwas scam.